SINIGURO ng Department of Public Works and Highways ang Long-Term Integrity ng Panguil Bay Bridge sa Tangub City, Misamis Occidental at Tubod, Lanao Del Norte.
Ayon sa DPWH nakikipagtulungan ang kagawaran sa Local Government Units para matiyak na ang mga imprastraktura sa kani-kanilang nasasakupan ay matibay at mapakikibnabangan ng mga residente.
Nagsagawa ng inspeksyon si DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain sa Panguil Bridge kasama ang alkalde ng Tangub City at Tubod sa 3.17-Kilometer Bridge na isinailalim sa pagsasaayos.
Bumuo ng Multi-Partite Monitoring Team para masusing mabantayan ang konstruksyon ng tulay.
Ang Panguil Bridge na binuksan noong September 2024 ay malaking tulong sa Regional Connectivity at sa pamumuhay ng mga lokal na komunidad sa Northern Mindanao.




