25 April 2025
Calbayog City
Local

Mas magandang Tacloban Airport,inaasahan ni pangulong Marcos sa susunod na dalawang taon

INAASAHAN ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas magandang Tacloban Airport sa susunod na dalawang taon.  

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks sa Palo, Leyte.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni pangulong Marcos na patuloy ang pagsasaayos sa Tacloban Airport na pinag-laanan ng dalawa punto limang bilyong piso.

Aniya, sinabi sa kanya ni speaker Martin Romualdez na malapit nang matapos ang pagkukumpuni at posibleng sa susunod na taon ay mapasinayaan na ang terminal.

Ang Tacloban Airport Development Project ay kinapapalooban ng konstruksyon ng bagong Passenger Terminal Building phases I at II, at pagsasaayos ng runway at airport perimeter road.

Inaasahang makukumpleto ang mga naturang proyekto pagsapit ng Enero ng 2026.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).