PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes, ang muling pagbubukas ng San Juanico Bridge.
Para ito sa mas mabibigat na sasakyan, matapos ang anim na buwang Retrofitting, at nakumpleto bago ang Christmas Holidays.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Pinuri ni Pangulong Marcos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mabilis na pagkukumpuni, upang makatawid ang 15-ton trucks sa iconic bridge na nagdurugtong sa Samar at Leyte.
Mas maaga ang ginawang reopening ng tulay para sa initial goal na 12-ton capacity sa pagtatapos ng taon.
Kasama ng pangulo si DPWH Secretary Vince Dizon sa pag-iinspeksyon ng 2.16-kilometer na tulay, na nangangailangan ng karagdagang 650 million pesos para maabot ang 30-ton capacity.
