NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona para rebyuhin ang October 2025 Monetary Policy Decision, pati na ang Economic Outlook ng bansa.
Sa pulong, napag-usapan na bagaman naging mahina ang paglago ngayong 2025, inaasahang makarerekober ang ekonomiya pagsapit ng 2026 at makababalik sa target range ng gobyerno sa 2027.
Ipinaliwanag ni Remolona sa pangulo na ibinaba na nila ang Policy Rate sa 4.75% para masuportahan ang mas abot-kayang pangungutang para sa mga pamilya at negosyo.
Para sa 2026, ang Inflation Forecast ay nasa 3.1% habang sa 2027, ay nasa 2.8% ang Inflation Outlook.



