DUMATING na sa Turkey si Pope Leo the 14th para sa kanyang unang foreign trip bilang Santo Papa, para sa makasaysayang Christian Anniversary, bago magtungo sa Lebanon.
Sa kanyang pagpunta sa Ankara, sinabi ng Santo papa na lahat ng tao ay maaring maging magkakapatid, sa kabila ng mga pagkakaiba ng relihiyon at paniniwala.
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Ang pagbisita sa dalawang bansa ay orihinal na plano ni yumaong Pope Francis, subalit ang “building bridges” ay isa sa mga pangako ni Pope Leo nang tumayo ito sa balkonahe ng St. Peter Basilica matapos maluklok noong Mayo.
Bibisitahin din ni Pope Leo sa Turkey ang Blue Mosque, na ginawa rin ng kanyang immediate predecessors na sina Pope Francis at Pope Benedict the 16th.
Makikipagpulong din ito sa iba pang religious leaders para sa Inter-Religious Dialogue, bago lumipad para sa second leg ng kanyang biyahe.
