Opisyal nang inanunsyo ni Marc Gasol – standout defender sa kanyang 14 NBA Seasons, ang pagreretiro sa paglalaro ng basketball.
Huling napanood ang trenta’y nueve anyos na si Gasol sa NBA noong 2020-2021 season, subalit naglaro pa siya para sa Basquet Girona (bas-ket jee-ro-na), na koponang itinatag niya sa Spain.
Naglaro siya ng mahigit sampung seasons sa Memphis Grizzlies, nakapasok sa tatlong all-star teams, at kabilang sa All-NBA first team sa 2014-2015 season.
Ang 6-foot-11 center ay pinarangalan bilang NBA’s defensive player of the year noong 2012-2013 season ng liga.