MAGSASAGAWA ang transport group na Manibela ng tatlong araw na tigil-pasada sa buong bansa, simula sa Lunes hanggang Miyerkules.
Gayunman, sa press conference, sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, na posibleng mapaaga ang kanilang transport strike, dahil umano sa pagsisinungaling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa taumbayan.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Iginiit ni Valbuena na nagsinungaling ang LTFRB nang sabihin nitong 86% ng public utility vehicle operators at drivers ay nagpa-consolidate na para sa PUV Modernization Program.
Binigyang diin ni Valbuena na ang pigurang ibinigay ng LTFRB ay hindi totoo, kaya nananawagan sila kay Transportation Secretary Vince Dizon na pagsisibakin sa pwesto ang mga opisyal ng ahensya.
