POSIBLENG maisailalim sa watchlist ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) si Dating Duterte Spokesperson Harry Roque kung maglalabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya, ayon sa Bureau of Immigration.
Marami ang nagtaka sa pagsulpot ni Roque sa The Hague, Netherlands, sa kabila ng standing warrant of arrest mula sa Kamara bunsod ng pag-isnab sa hearings sa POGO.
Ipinaliwanag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, na bagaman may detention order para kay Roque, kailangan ng court-issued warrant para maisailalim ito sa radar ng INTERPOL.
Idinagdag ni Sandoval na bukod sa posibilidad na umalis sa bansa si Roque sa kaparehong backdoor exit sa Taiwan na ginamit ni Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ang inisyu lamang sa dating opisyal ay immigration lookout bulletin, at walang hold departure order.