BUMABA na ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division, mula March 4 hanggang 17, nakapagtala ng 515 na bagong kaso ng dengue sa lungsod.
Ito ay mas mababa kumpara sa 1,114 dengue cases na naitala noong Feb. 18 hanggang Mar. 3.
Ang daily average ng bagong kaso ng dengue sa lungsod ay 37 na lamang.
Sa kabila nito, patuloy na pinapayuhan ang mga residente na huwag magpaka-kampante at patuloy na gawin ang mga angkop na pag-iingat.