NAHAHARAP sa imbestigasyon si Democratic US Representative Jamaal Bowman makaraang patunugin ang fire alarm sa Capitol Complex, sa gitna ng pagsisikap ng partido nito na i-delay ang mahalagang botohan.
Ang ginawa ng mambabatas ay nagresulta sa agarang paglabas ng mga tao mula sa congressional office building.
Sa larawang inilabas ng Capitol Police, nakuhanan si Bowman na kumakatawan sa bahagi ng New York City at sa immediate suburbs nito, na in-activate ang fire alarm malapit sa exit ng isang office building kung saan matatagpuan ang congressional offices.
Sa statement, inamin ni Bowman ang pagpapatunog nito ng alarm na kanyang pinagsisisihan subalit itinangging ginawa niya ito para ipagpaliban ang botohan, gaya ng iginigiit ng republicans.
Pagbobotohan sana ng house ang bipartisan bill para mapanatiling bukas ang gobyerno sa loob ng 45 days at maiwasan ang shutdown.