BINIGYANG diin ni Vice President Sara Duterte na nabigo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang bansa kaya dapat na itong magbitiw sa pwesto.
Dumalo ang Bise Presidente sa pagtitipon ng mga supporter ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, bago ang kaarawan ng kanyang ama.
Idinagdag ni VP Sara na kailangang mag-resign ni Marcos dahil hindi nito pinakikita sa taumbayan na maayos itong mag-isip at mamuno.
Bumwelta naman ang Malakanyang sa pamamagitan ng tanong na sino ba ang makikinabang kapag nagbitiw ang pangulo.