22 April 2025
Calbayog City
National

China, itinangging tumanggap ng asylum request mula kay Dating Pangulong Duterte at pamilya nito

ITINANGGI ng China ang napaulat na tumanggap sila ng request for asylum mula kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun, na ang pagbisita kamakailan ni Duterte sa Hong Kong ay isang private matter.

Aniya, wala silang natanggap kailanman na aplikasyon mula sa dating pangulo at sa pamilya nito para humiling ng asylum sa Chinese government.

March 7 nang magtungo sa Hong Kong si Duterte para dumalo sa event ng Overseas Filipino Workers.

Sa kaparehong araw ay inilabas ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court ang warrant of arrest laban sa dating pangulo.

Inaresto si Duterte noong March 11 sa Ninoy Aquino International Airport pagdating niya sa bansa mula sa Hong Kong.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.