Babayaran ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahihirap na college students para turuang magbasa ang mga mag-aaral na nasa grade 1.
Sinabi ni DSWD spokesperson Rommel Lopez na itinakda ang pilot implementation ng “Tara Basa” program simula sa Aug. 14 hanggang sa Nobyembre ngayong taon.
Nasa 6,000 junior at senior college students mula sa piling state universities sa Metro Manila ang bahagi ng pilot implementation ng programa.
Inihayag ni Lopez na upang maeengganyo ang mga magulang ng mga batang hirap sa pagbabasa na i-avail ang programa, pagkakalooban sila ng DSWD ng cash assistance na 235 pesos bawat isa.