SA pagpapatuloy ng 2025 LGU Educational Assistance Program, mahigit walundaan pang mga mag-aaral sa Calbayog City ang nakinabang sa programa.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Kabuuang 867 na mga estudyante ang tumanggap ng tig-tatlunlibong piso, sa Calbayog City Convention Center, kahapon.
Pinangunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pamamahagi ng educational assistance, patunay ng kanyang hindi matatawarang commitment sa edukasyon ng kabataang Calbayognon.
Nakiisa rin sa naturang event si Vice Mayor Rex Daguman at ilang city councilors.
Tiniyak naman ni City Treasurer Evelyn Junio at ng kanyang team ang maayos na distribusyon ng pondo sa mga estudyante mula sa Upper and Lower Happy Valley at sa North and South Wings ng Calbayog District.
Ang naturang payout ay bahagi ng pinalawak na programa na nilikha upang tulungan ang pitunlibong scholars.
