TATLUMPU’T isang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Leyte Regional Prison ang napipintong makalaya matapos sumailalim sa pre-parole interview.
Ayon sa Bureau of Corrections (BUCOR), isinagawa ang interview ng Department of Justice – Parole and Probation Administration Regional Office sa Eastern Visayas.
ALSO READ:
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Sa statement, sinabi ng BUCOR na tumutok ang ebalwasyon sa pag-uugali, rehabilitation progress, at kahandaang mapabilang muli sa lipunan ang mga inmates.
Pinag-aralan din ng mga opisyal ang qualifications ng mga palalayaing PDL, sa pamamagitan ng pagtiyak na naabot nila ang lahat ng legal at behavioral requirements bago sila bigyan ng parole.