DARATING sa bansa ang k-pop star na si Jisoo ng grupong Blackpink.
Sa X, inanunsyo ng agency na Blissoo, na dadalhin ni Jisoo ang “lights, love, action!” Tour sa Manila.
Gayunman, wala pang inilalabas na detalye, gaya ng fan meet date, venue at ticket prices.
Ang “lights, love, action!” Tour ay mapapanood din sa malalaking lungsod Southeast Asia, gaya sa Bangkok, Tokyo, Macau, Taipei, Hong Kong, at Hanoi.
Naghahanda rin si Jisoo para sa kanyang debut solo mini-album na “amortage” na nakatakdang i-release sa Feb. 14.
Ang mini-album ay binubuo ng apat na tracks na kinabibilangan ng “Earthquake,” “Your love,” “Tears,” at “Hugs and kisses,” na lahat ay co-written ni Jisoo.