HANDA na ang 20-athlete delegation para sa 9th Asian Winter Games, sa China.
Naniniwala si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “bambol” Tolentino, na makapagde-deliver ang winter sports athletes ng bansa.
Hindi lamang aniya sa para sa medalya, kundi para sa exposure at experience na kailangan upang maipakita ang galing ng mga Pinoy sa winter olympics.
Magsisimula ang Harbin Games sa Biyernes sa pamamagitan ng opening ceremony sa Harbin International Convention Exhibition and Sports Center at magtatapos ito sa Feb. 14.