NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang undeclared foreign currencies na nagkakahalaga ng 24.3 million pesos mula sa dalawang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa BOC, 272,000 dollars o halos 16 million pesos ang kinumpiska mula sa isang Pilipinong pasahero noong Jan. 22.
Kinabukasan naman ay sinamsam ng customs officers sa NAIA ang hindi deklaradong foreign currencies na may katumbas na mahigit 8 million pesos mula sa isang Japanese passenger.
Nahaharap ang mga pasahero sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Manual Regulations on Foreign Exchange Transactions, New Central Bank Act, at Anti-Money Laundering Act.