Arestado ang apat na katao sa matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng Rodriguez Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Ama”, 66 taong gulang, construction worker, alyas “Samantha”, 21 taong gulang, alyas “Sarah”, 30 taong gulang; at alyas “Jojo”, 39 taong gulang.
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 8 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 23 gramo at nagkakahalagang Php156,400.00 at iba pang mga ebidensya.
Dinala ang mga suspek at ang mga ebidensiya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa kaukulang drug test at forensic examination.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakapiit Rodriguez Municipal Police Station.
