MAHIGIT isandaang magsasaka mula sa siyam na munisipalidad at dalawang siyudad sa Samar ang tumanggap ng kanilang Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) bilang bahagi ng marathon distribution ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ang mga bayan ay kinabibilangan ng Sta. Margarita, Gandara, Tarangnan, San Jorge, Daram, Jiabong, Paranas, San Sebastian habang ang mga lungsod ay kinabibilangan ng Catbalogan at Calbayog.
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Pinangunahan ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO II) Segundino Pagliawan ang distribusyon ng isandaan at labing anim na CLOAs, sa loob ng tatlong sunod na araw, sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.
Saklaw ng ipinamahaging titulo ang aggregate area na 172.98 na ektarya.