MAHIGIT pitundaan katao ang patay habang dalawanlibo at walundaan ang nasugatan sa loob lamang ng limang araw na pagsiklab ng kaguluhan sa silangan ng Democratic Republic of Congo.
Ayon kay United Nations Secretary-General Spokesperson Stephane Dujarric ang assessment ay isinagawa ng World Health Organization at mga partner nito, sa pagitan ng Jan. 26 hanggang 30.
Patuloy din aniya ang pag-assess ng humanitarian organizations sa Goma, sa epekto ng krisis, kabilang na ang pagnanakaw sa mga warehouse at mga tanggapan ng aid organizations.
Ang Goma na pinakamalaking lungsod sa North Kivu Province sa Eastern DR Congo ay bumagsak sa kontrol ng mga rebelde noong nakaraang linggo.