18 March 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 6000 Family Food Packs, ipinamahagi ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Enteng sa Northern Samar

NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 6,482 family food packs sa mga pamilya na lumikas sa Northern Samar bunsod ng malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Enteng.

Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua, na minamadali nila ang pagde-deliver sa mga local government units na lubos na naapektuhan ng masamang panahon.

Ipinamahagi ang family food packs sa mga naapektuhang pamilya sa mga bayan ng Allen, Victoria, at Lavezares sa Northern Samar.

Umabot naman sa 4.67 Million Pesos ang nagastos ng kagawaran  para sa food packs at non-food items. As of Sept. 3, mayroong relief items na nagkakahalaga ng 131.20 Million Pesos na available para sa mga biktima ng bagyo sa Eastern Visayas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).