MASAYANG tinanggap ng 533 na mga benepisyaryo ang ipinagkaloob na educational assistance ng tanggapan ni Samar Governor Sharee Ann Tan, Vice-Governor Arnold Tan, Board Members at Local Government Units ng Samar para sa mga guro na nagma-masteral at doctorate degree programs.
Ang mga naturang benepisyaryo na pawang nagmula sa unang distrito ng Samar ay tumanggap ng tig-5,000 bawat isa.
Ang educational payout na isinagawa araw ng lunes, August 21, 2023 ay ginanap sa mga bayan ng Gandara, San Jorge, Tarangnan, at Matuguinao.
Kamakailan ay nagkaloob din ng kaparehong payout sa Northwest Samar State University.