NAKAPAGPAMAHAGI na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang 45,333 family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong enteng sa tatlong Samar Provinces.
Ayon kay DSWD Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua, ang ipinamahaging food packs ay pauna lamang matapos lumikas ang 55,940 families na naninirahan sa 322 Barangays sa mga lalawigan ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran, bunsod ng baha.
Sinabi ni Chua na sa ngayon ay ongoing ang coordination at monitoring ng quick response team ng DSWD para agarang maihatid ang kinakailangang tulong.
Sa ipinamahaging family food packs, 33,799 ang tinanggap ng mga pamilya sa Northern Samar; 8,015 sa Samar; at 3,519 sa Eastern Samar.