MAGDE-deploy ang pnp ng mahigit 41,000 police officers sa buong bansa bilang bahagi ng kanilang “Ligtas Paskuhan Deployment Plan” para sa Simbang Gabi 2024 o Misa De Gallo.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo na may mga tauhan na silang nakakalat sa mga lugar na dadagsain ng mga tao, lalo na sa mga lugar sambahan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Idinagdag ni Fajardo na ang 41,000 personnel ay itatalaga upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa siyam na araw na simbang gabi na nagsisimula tuwing Dec. 16 at nagtatapos ng bisperas ng pasko o Dec. 24.
Aniya, bawat municipal station ay mayroong nakatalagang mga tauhan sa ilalim ng ligtas paskuhan deployment ban.
Maglalagay din ng police assistance desk malapit sa mga simbahan at transportation hubs para gabayan at tulungan ang publiko.