INILUNSAD ng tanggapan ni Calbayog City Vice Mayor Rex Daguman ang Bridging Academic Gap o BAG Program sa layuning maibsan ang alalahanin ng mga magulang para sa gastusin ng mga kailangan sa eskuwela ng kanilang mga anak.
Sa launching ng BAG Program na ginanap sa Calbayog Convention Center, araw ng Miyerkules, July 23, 2024 ay binigyang halaga ni Daguman ang mga estudyante na papasok pa lamang sa Grade 1 na siyang makatatanggap ng libreng bag na may kasamang kuwaderno, intermediate paper, lapis, at krayola.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ipinaliwanag ng bisi alkalde na bago pa man siya pumasok sa larangan ng pulitika ay taon-taon na siyang namamahagi ng libreng school supplies sa mga mag-aaral katuwang ang iba pa niyang mga kapatid.
Ayon naman sa kalihim ng Sangguniang Panlungsod na si Ma. Elena Cortado, mahigit apat na libong mga bags ang ipamumudmod ng tanggapan ni VM Rex katuwang ang organisasyon ng JCI at Tingog Partylist.
Nagkaloob din ng 100 bags si Daguman sa Samar Vloggers.
