18 March 2025
Calbayog City
National

Pinsala ng bagyong Carina at habagat sa agrikultura sa buong bansa, umabot na sa mahigit P156-M

UMABOT na sa mahigit 156 milyong piso ang halaga ng pinsala sa panananim at livestock ng pag-ulan at pagbaha sa mga rehiyon sa bansa na naapektuhan ng bagyong Carina at habagat.

Ayon sa Department of Agriculture, may naapektuhang pananim at livestock sa MIMAROPA, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga.

Umabot sa 856 metriko toneladang pananim na palay ang nasira na tinatayang aabot sa 145 milyong piso ang halaga.

May nasira ding 21 metriko toneladang pananim na mais na aabot sa 2.85 milyong piso ang halaga, at 8.50 milyong piso na halaga ng high-value crops.

Samantala, mayroon ding mga napinsalang livestock.

Ayon sa DA, nakatakdang mamahagi ang ahensya ng rice seeds, corn seeds at vegetable seeds sa mga naapektuhang magsasaka.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.