NAGPAKALAT ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng mahigit tatlunlibo animnaraang personnel para magsagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS) sa apatnalibo tatlundaan at siyamnapung mga barangay sa Eastern Visayas.
Ayon kay PSA Eastern Visayas Regional Director Wilma Perante, iinterbyuhin ng enumerators ang bawat pamilya sa loob ng apatnapu’t limang minuto hanggang isang oras para mangalap ng mga importanteng impormasyon at ma-update ang inventory ng populasyon ng bansa, pati na ang listahan ng mga benepisyaryo ng social protection initiatives.
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Mula sa 3,668 field personnel na inatasang magsagawa ng dalawang major surveys, 2,961 ay enumerators, 537 ang team supervisors, at 170 ang area supervisors.
Magtatagal ang pangangalap ng mga datos hanggang sa setyembre at ang resulta ng survey ay target mailabas sa unang quarter ng 2025.
As of may 1, 2020, ang Eastern Visayas ay mayroong populasyon na 4,547, 150, batay sa 2020 Census of Population and Housing.
Kumakatawan ito sa 4.17 percent ng buong populasyon ng Pilipinas para sa naturang taon.
