NAGPOSITIBO sa red tide ang seawater samples na nakolekta mula sa Calbayog City, Daram Island, Zumarraga Island, at Maqueda Bay sa Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan sa Samar.
Kasunod ito ng laboratory examination na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 8 – Provincial Marine Biotoxin Laboratory sa Catbalogan City.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Bunsod nito, naglabas ang BFAR 8 ng Local Red Tide Warning sa naturang mga lugar.
Samantala, nananatiling epektibo ang kaparehong babala para sa Cambatutay Bay sa Tarangan, Samar; Irong-Irong Bay sa Catbalogan City; Matarinao Bay sa Eastern Samar, partikular sa general Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo; at katubigan ng Guiuan, Eastern Samar.
Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na ang mga naninirahan malapit sa mga naturang lugar, ipinagbabawal ang paghango, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish, gaya ng tahong at talaba at alamang mula sa mga nabanggit na katubigan.
