Nakatakdang mag-perform ang pinoy girl group na Bini sa sikat na K-Pop Music Festival na KCON sa Amerika.
Ayon sa post ng KCON Usa sa X (dating Twitter), magiging bahagi ng p-pop group ng “M Countdown Pre Show” sa July 27 sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, California.
ALSO READ:
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Paolo Contis, nagpasalamat kina Lian Paz at John Cabahug sa pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak
Bukod sa Bini, magpe-perform din sa stage sa kaparehong petsa ang K-pop groups, gaya ng ENHYPEN at NMIXX.
Kamakailan lamang ay ni-release ng Bini ang kanilang latest song na “Cherry On Top,” na ngayon ay mayroon nang mahigit 5 million views sa Youtube.
Ang success ng “Cherry On Top” ay pinakabago sa mga sikat na kanta ng Bini na nagsimula noong summer sa pamamagitan ng “Pantropiko” at “Salamin Salamin” na namayagpag sa airwaves.
