15 February 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 3,000 personnel, ipinakalat ng PSA para magsagawa ng Census  sa Eastern Visayas

psa

NAGPAKALAT ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng mahigit tatlunlibo animnaraang  personnel para magsagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS) sa apatnalibo tatlundaan at siyamnapung mga barangay sa Eastern Visayas.

Ayon kay PSA Eastern Visayas Regional Director Wilma Perante, iinterbyuhin ng enumerators ang bawat pamilya sa loob ng apatnapu’t limang  minuto hanggang isang oras para mangalap ng mga importanteng impormasyon at ma-update ang inventory ng populasyon ng bansa, pati na ang listahan ng mga benepisyaryo  ng social protection initiatives.

Mula sa 3,668 field personnel na inatasang magsagawa ng dalawang major surveys, 2,961 ay enumerators, 537 ang team supervisors, at 170 ang area supervisors.

Magtatagal ang pangangalap ng mga datos hanggang sa setyembre at ang resulta ng survey ay target mailabas sa  unang quarter ng 2025.

As of may 1, 2020, ang Eastern Visayas ay mayroong populasyon na 4,547, 150, batay sa 2020  Census of Population and Housing.

Kumakatawan ito sa 4.17 percent ng buong populasyon ng Pilipinas para sa naturang taon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).