10 September 2025
Calbayog City
National

Mahigit 3.6 milyong katao, apektado ng mga bagyong Carina at Butchoy, at habagat

KABUUANG 3,626,500 na mga indibidwal sa mahigit tatlunlibong mga barangay ang naapektuhan ng pinagsama-samang epekto ng habagat, pati na ng mga bagyong Carina at Butchoy, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, karamihan sa mga residenteng naapektuhan ay mula sa Central Luzon na nasa 2,132,938; sumunod ang BARMM, 552,971; SOCCSKSARGEN, 260,767; at Ilocos Region, 242,648.

Mayroong 168,933 individuals o 42,673 families ang nananatili sa 1,025 evacuation centers habang 900,421 individuals o 217,389 families ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan.

Sa casualties, sinabi ng NDRRMC na dalawampu’t walo katao ang napaulat na nasawi, na kinabibilangan ng sampung na-validate at labing walo na isinasailalim pa sa beripikasyon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.