MAGPAPAKALAT ang Southern Police District ng dalawandaan at apatnapu’t apat na mga tauhan para magpanatili ng seguridad sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 51st Edition Grand Parade of Stars sa Makati City ngayong Biyernes.
Ang mga ide-deploy na pulis ay mula sa special unit ng SPD headquarters, Pasay City Police Station (CPS), at Makati CPS.
ALSO READ:
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Chinese national na umano’y kinidnap, nasagip sa Parañaque
Ayon sa SPD, 185 personnel ang itinalaga para sa route and area security, habang tatlumpu’t isa mula sa Pasay CPS, at apatnapu’t lima mula sa Makati CPS para sa area security.
Apat na personnel mula sa Explosive Ordnance Disposal K-9 Unit at limang Covert Security Personnel ang tutulong sa operasyon habang isandaang personnel mula sa District Force Mobile Battalion ang tututok sa route security.
