Patay ang dalawamput isang (21) katao matapos mahulog sa flyover at masunog ang kanilang sinasakyang bus sa Venice, Italy.
Ayon kay Venice Mayor Luigi Brugnaro, bumangga at lumusot sa barrier ng flyover ang naturang bus sa Mestre District.
Nirentahan lang aniya ang bus para maghatid ng mga turista mula Venice patungong campsite, malapit sa naturang distrito. Maliban sa mga kumpirmadong nasawi, labing walo (18) pang sakay nito ang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos magtamo ng serious injury.