TINAYA sa dalawa punto tatlong milyong pisong halaga ng “Double-Dead” na karne ang kinumpiska ng mga awtoridad habang pitong suspek ang nasakote sa Joint Operation sa Barangay Sta. Rosa, Marilao, Bulacan.
Dalawang truck na may kargang 12,500 kilos ng “Hot Meat” ang nasabat makaraang maispatan ng mga barangay tanod ang iligal na paglilipat ng hinihinalang double-dead meat mula sa wing van patungo sa refrigerated truck.
Agad namang ini-report ang insidente sa National Meat Inspection Service (NMIS) at sa Marilao Police Station, na nagresulta sa mabilis na pagkakadakip sa mga suspek.
Lumitaw sa imbestigasyon na expired na noon pang 2021 ang mga karne na galing umano sa bayan ng San Miguel at patungo sa Pandi.