WINASAK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang libo-libong illegal vape products na kinumpiska mula sa mga operasyon sa Central Visayas, Iloilo City, at Negros Island Region.
Isinagawa ang pagwasak na kinapapalooban ng 15,000 hanggang 16,000 vape units sa Jubay, Liloan, Cebu, kahapon.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
8 katao, patay matapos mahulog ang multicab sa bangin sa Ayungon, Negros Oriental
Pinangunahan ni Director Antonino Ilagan ng BIR Central Visayas ang aktibidad, sa layuning maiwasang makapasok muli sa merkado ang mga produkto at mapanagot ang mga violator.
Ayon sa BIR, aabot sa mahigit 26.214 million pesos ang unpaid taxes na iniuugnay sa illicit vape products mula sa Central Visayas.
