Mahigit isanlibo limandaang mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Western Visayas sa gitna ng pag-a-alboroto ng Bulkang Kanlaon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, dalawampung domestic flights at isang international flight din ang kinansela sa Western at Central Visayas, subalit labindalawang domestic flights ang tumuloy.
ALSO READ:
Publiko pinag-iingat sa alok na P8.5K na cash aid sa Facebook Messenger
Mga senador at ilan pang personalidad pinakakasuhan ng Senate Blue Ribbon Committee
Botohan para sa Sufficiency in Substance ng 2 impeachment complaints laban kay PBBM, itutuloy ngayong araw
DSWD nagtaas ng Blue Alert dahil sa Bagyong Basyang
Ayon sa NDRRMC, dalawanlibo walumpu’t walong indibidwal o animnaraan at limang pamilya ang naapektuhan ng aktibidad ng Mount Kanlaon sa Central Visayas.
Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental at Canlaon City sa Negros Oriental.
