Patay ang anim na mangingisda makaraang lamunin ng apoy ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Naga City, Cebu.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas, nagsimula umano ang sunog sa makina ng FBCA King Bryan na galing Masbate at may lulang labing isang tripulante.
Unang narekober ang bangkay ng dalawang mangingisda habang lima ang nailigtas, kabilang ang kapitan ng fishing boat.
Sunod namang natagpuan ang mga bangkay ng apat na iba pa sa ilalim ng natupok na bangka.