Mahigit isanlibo limandaang mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Western Visayas sa gitna ng pag-a-alboroto ng Bulkang Kanlaon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, dalawampung domestic flights at isang international flight din ang kinansela sa Western at Central Visayas, subalit labindalawang domestic flights ang tumuloy.
Ayon sa NDRRMC, dalawanlibo walumpu’t walong indibidwal o animnaraan at limang pamilya ang naapektuhan ng aktibidad ng Mount Kanlaon sa Central Visayas.
Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental at Canlaon City sa Negros Oriental.