Sinuspinde ng Roman Catholic Archbishop of Manila ang Parochial Administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo at pinagbawalan din itong mangasiwa ng mga sakramento.
Sa statement, sinabi ng Archbishop of Manila na inalis sa pwesto si Father Alfonso Valeza at pinagbawalang gampanan ang mga tungkulin bilang pari dahil sa paulit-ulit nitong pagsuway sa Arsobispo, sa kabila ng mga kautusan at babala.
ALSO READ:
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Hindi na idinetalye ang dahilan ng suspensyon sa pari, bagaman una nang napaulat na nasangkot ito sa away kay Novaliches Bishop Antonio Tobias sa loob ng isang parokya sa Tondo.
Itinalaga naman sina Monsignor Reginald Malicdem, Father Nolan Que, at Father Gilbert Kabigting bilang Parochial Administrators.
