Mahigit dalawampu katao ang nasawi makaraang tamaan ng dalawang missiles ng Israel ang isang paaralan ng United Nations sa Gaza.
Tinarget ng air strike, ang pinakamataas na palapag ng eskwelahan sa Nuseirat refugee camp, na naging dahilan ng pagkawasak nito at nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa dalawampu’t pitong indibidwal.
Iginiit naman ng Israel na balwarte ng hamas ang tinarget na paaralan na mariing pinabulaan ng media office director ng militanteng grupo.