27 April 2025
Calbayog City
Local

LTO, nakapag-imprenta ng halos 84,000 na plastic driver’s license cards sa Eastern Visayas

lto

Nakapag-imprenta ang Land Transportation Office (LTO) ng mahigit walumpu’t tatlunlibong driver’s license cards upang matugunan ang mahigit isandaan at apat na libong backlogs sa plastic-printed driver’s licenses sa anim na lalawigan sa Eastern Visayas.

Sinabi ni LTO-Eastern Visayas Regional Director Ledwino Macariola na nakatanggap ang LTO district offices sa rehiyon ng sapat na plastic license cards bilang pamalit sa paper-printed licenses na inisyu noong 2023 hanggang sa unang bahagi ng 2024.

Aniya, kailangan nilang unahin ang mga nagtutungo sa kanilang opisina dahil nagbayad ang kanilang mga kliyente para rito.

Tumanggap ang LTO field office sa Tacloban City ng mahigit isandaan at labing isanlibong plastic cards noong Abril para sa ipamahagi sa labintatlong LTO district offices sa Region 8. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *