Umabot sa mahigit P13.3 million na halaga ng tulong ang ipinamahagi sa mga informal workers sa Dolores, Quezon sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa DOLE, kabuuang 2,379 na mga manggagawa ang tumaggap ng tulong. Nauna nang namahagi din ng payout para sa TUPAD program ang DOLE sa Sariaya, Quezon.
Sa nasabing aktibidad ay mahigit P12.2 million na man ang naipamahagi sa 2,181 TUPAD beneficiaries.