MALAKING bilang ng mga bagong botante na nag-apply sa nagdaang sampung araw na Registration sa Eastern Visayas ay mula sa Youth Sector.
Mula sa 143,318 Voter Applications na iprinoseso sa rehiyon mula Aug. 1 hanggang 10, nasa 110,878 ang First-Time Voters ng Sangguniang Kabataan (SK) na ang edad ay kinse hanggang disi syete.
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng mga ambulansya para sa Eastern Visayas
Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital
Sinabi ni COMELEC Eastern Visayas Regional Director Jose Nick Mendros na ang partisipasyon ng mas maraming kabataang Pilipino sa Electoral Process ay isang Welcome Development.
Idinagdag ni Mendros na sa kabila ng reports ng Election Postponement ay marami pa ring kabataang botante ang nagparehistro, at interesadong maging bahagi ng proseso sa pagpili ng mga lider.
Nagsagawa ang COMELEC ng Registration bago nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections (BSKE), na orihinal na itinakda sa Dec. 1, 2025, at sa halip ay idaraos ito sa unang Lunes ng Nov. 2026.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12232, ang kasunod na Regular BSKE ay idaraos tuwing ika-apat na taon at ang termino ng lahat ng Elected Barangay at SK Officials ay magiging apat na taon.