1 July 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 11,000 na cargo trucks, makikinabang sa “Libreng Sakay” sa gitna ng San Juanico Bridge Crisis

TINAYA sa 11,394 cargo trucks ang inaasahang makikinabang mula libreng biyahe ng RORO vessels ng Office of the Civil Defense ngayong taon, sa ilalim ng kanilang bagong lunsad na “Libreng Sakay” Program, sa gitna ng San Juanico Bridge Crisis.

Sinabi ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion na kinontrata nila ang Landing Craft Tank na LCT Edison para sa 633 trips para tumawid sa San Juanico Strait na naghihiwalay sa Tacloban City at Barangay Amandayehan sa Basey, Samar.

Aniya, bawat biyahe ay kayang magkarga ng labing walong truck, at matatapos ang kanilang kontrata sa loob ng tatlo at kalahating buwan kung ang biyahe ay tatlong beses kada araw o limang buwan kapag ang biyahe ay dalawang beses kada araw.

Sa kasalukuyan, limitado ang operasyon sa pagitan ng dalawang ports dahil sa kawalan ng night navigation at ongoing works para sa pagdaragdag ng panibagong rampa sa Amandayehan. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).