Mahigit sampunlibo ang kumuha ng pagsusulit sa unang araw ng 2023 Bar Examinations, batay sa datos na inilabas ng Korte Suprema.
Ayon sa Supreme Court (SC), umabot sa 10,404 ang kabuuang bilang ng examinees sa mga testing center sa buong bansa.
Pinakamarami ay sa testing center sa San Beda University – Manila na mayroong 1,614 examinees, kasunod ang testing center sa UP-Diliman na mayroon namang 1,066 examinees.
Kahapon, Sept. 17 ang unang araw ng bar exams. Susundan ito ng ikalawa at ikatlong araw na gaganapin naman sa Sept. 20 at 24.