MAHIGIT isandaang Chinese warplanes at siyam na Navy ships ang na-detect sa paligid ng Taiwan.
Ayon sa statement, sa pagitan ng Sept. 17 hanggang 18, na-detect ng Ministry of National Defense ang kabuuang 103 Chinese aircraft na anila ay napakarami at nagdudulot ng hamon sa seguridad sa Taiwan strait at sa rehiyon.
Sa kabuuang bilang ng na-detect na warplanes, apatnapu ang tumawid sa tinatawag na median line sa Taiwan Strait na naghihiwalay sa isla mula sa China, at pumasok sa kanilang southwest at southeast Air Defense Identification Zone (ADIZ).