UMABOT na sa mahigit P1.08 billion ang halaga ng mga bartya na nakulekta ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula sa coin deposit machines (CoDMs).
Ayon sa BSP, ang nasabing halaga ay mula sa mahigit 255,900 na transaksyon.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sa ngayon mayroong 25 CoDMs sa Greater Manila Area.
Hinikayat ng BSP ang publiko na ang kanilang mga ipong barya ay ihulog sa CoDM para mai-convert bilang e-wallet credits o kaya ay bilang shopping voucher. Ang mga baryang ihuhulog sa CoDMs ay pwedeng i-convert sa GCash, Maya, GoTyme o kaya ay bilang shopping voucher na maaaring gamitin para maipambili sa mga SM Stores nationwide.
(DDC)