20 May 2025
Calbayog City
Overseas

Tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Grupong Hezbollah, nalalapit na

INAASAHANG iaanunsyo nina US President Joe Biden at French President Emmanuel Macron ang ceasefire sa Lebanon sa pagitan ng Israel at armadong Grupong Hezbollah, ayon sa apat na Senior Lebanese Sources.

Sa washington, sinabi ni White House National Security Spokesperson John Kirby, na nalalapit na ang tigil-putukan subalit kailangan munang plantsahin ang lahat.

Inihayag naman ng liderato ng France na malaki na ang iniusad ng negosasyon para sa ceasefire.

Saklaw umano ng 60-day truce ang withdrawal ng Israeli Forces mula sa Southern Lebanon at alisin ng Hezbollah ang kanilang presensya sa lugar.

Tumutulong ang US at France na matagal nang kaalyado ng Lebanon para pahupain ang tensyon at magkaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng magkabilang panig.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).