IBINASURA ng Supreme Court ang motions na humihiling na baliktarin ang naunang desisyon na huwag isama ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa SC, hindi kinatigan ang motions para sa partial reconsideration na inihain ng BARMM Government, Office of the Solicitor General, at iba pa.
Sinabi pa ng korte suprema na ang kanilang desisyon ay “final and executory” at “no further pleadings will be entertained.”
Setyembre nang pagtibayin ng kataas-taasang hukuman ang validity ng bangsamoro Organic Law subalit idineklara ang Sulu na hindi bahagi ng BARMM.